HOSPITALITY NG MGA PILIPINO

At Your Service ni Ka Francis

Sa hospitality kinagigiliwan ang mga Pilipino ng iba’t ibang lahi sa mga bansa sa buong mundo.

Ang hospitality na may mga kahulugang ‘mabuting pakikitungo, mabuting pagtanggap sa mga bisita, kagandahang-loob at pagmamagandang-loob.’

Taglay ito ng mga Pilipino, kung kaya’t ito ang nagugustuhan ng mga employer mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.

Kaya naman maraming bansa mula sa Europe, Africa, Middle East, Amerika at maging mga bansa mula sa Asya, ay mas pinipili ng mga ito na maging manggagawa o empleyado nila ang mga Pilipino.

Hindi lang ito dahil sa hospitality ng mga Pilipino kundi dahil din sa pagiging masinop, matiisin at pulido magtrabaho ng lahing kayumanggi.

Mapagmahal din sa pamilya kaya marami sa mga trabahong katulad ng caregiver, domestic helper at medical na propesyon ang iniaalok sa atin ng ibang lahi.

Dahil mapagmahal sa pamilya ang mga Pilipino kaya marami sa ating mga kababayang babae ang kinukuha ng mga employer para ipagkatiwala ang kanilang mga anak na alagaan ng Pinay domestic helper.

Mababa rin ang kalooban ng mga Pilipino kaya madali tayong nagkakaroon ng kaibigan mula sa ibang lahi.

Isa sa mga patunay ay sa kapistahan sa mga probinsiya, kahit hindi kakilala kapag umakyat sa isang bahay ay pinakakain ng may-ari.

Kaya kadalasan sa mga Pinay ay gustong mapangasawa ng ibang lahi dahil sa pagiging maalaga, mapagmahal, may kagandahang-loob, matiyaga, maawain at matiisin sa kapwa tao.

Ang mga Pilipino ang nag-iisang lahi ng mga tao sa mundo na may kaugaliang nagmamano sa mga nakatatanda.

Kahit tumanda na ang mga Pilipino ay hindi pa rin nawawala sa kanila ang pagiging mapagmahal sa kanilang pamilya, hindi katulad ng mga Amerikano na kapag umabot na ng 18-anyos ang kanilang mga anak ay bahala na sila sa kanilang sarili.

25

Related posts

Leave a Comment