Sinadya ng Misyon Aksyon na puntahan si Kapitan Victorino H. Gerona Jr. ng Barangay Gaya-Gaya para kunan ng panig sa isyung lumabas sa Saksi Ngayon nitong Setyembre 28, “Istasyon ng pulisya nakatiwangwang, adik at kriminal nagkalat?” Ito ay hinggil sa Peace and order sa kaniyang Barangay.
Agad akong ipinasa kay Kagawad Rogelio Gojo Cruz na siyang chairman ng Peace and Order. Aminado ang kagawad na talagang magulo at maraming kriminal sa Tower-Ville 6 dahil galing sa iba’t ibang mga lugar sa Metro Manila ang mga tao at hindi alam ang kanilang mga pagkatao. Sa katunayan aniya pinatay ang isa niyang hepe ng tanod nang magresponde sila noong nakaraang linggo kung saan naaktuhan nila ang nagaganap na bentahan ng shabu.
“Humingi naman kami ng responde sa pulis dalawang oras bago dumating at ‘yong Police Station na dinonate ng Tower-Ville sa 6-c dapat lagyan ng pulis kaya lang paano kami mabibigyan ng pulis sa Barangay eh kulang na kulang ang pulis ng San Jose Del Monte, Bulacan?
“Umaabot sa 60k ang mga residente ng naturang Barangay. Kahit maraming tanod ang idagdag mo hindi pa rin sasapat, higit sa lahat hindi kami makaporma dahilan sa batuta lamang ang aming sandata. ‘Yong mga kriminal ay mga armado ng matataas na kalibre ng baril. Sana aksyunan ito ng PNP ani pa ni kagawad Cruz.,” aniya.
Panawagan: Kay Region III PbGen. Joel Napoleon Martinez Coronel at Bulacan Provincial Dir. PCol. Chito Galvez Bersaluna. Sir, paki aksyunan naman ang problema ng Tower-Ville Gaya-Gaya dito.
Kay Mayor Arthur B. Robes, sir, mukhang ‘di kaya ng kapitan ng Barangay Gaya-Gaya na si Victorino H. Gerona Jr. ang lugar na ito. Wala itong bisa bilang kapitan, magbitiw na lang siya dahil hindi kumikilos sa kaniyang Barangay. Sayang lang po ang pinasusweldo sa kaniya.
oOo
Nakikiramay po ang iyong lingkod sa Pamilya Buniel dahil namayapa si Ulyses L. Buniel noong Setyembre 26 sa edad na 46. Ang kanyang mga labi ay nakahimlay sa St. Peter Chapel Tandang Sora Commonwealth, ihahatid ito sa huling hantungan ngayong araw, Oktubre 5.
Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan. Note: problema sa SSS, GSIS, Pag-IBIG Homeowners at iba pa. Cellphone no. Smart 09420874863 / 09755770656 EMAIL ADDRESS: Misyonaksyon@yahoo.com / arnel_petil@yahoo.com/ arnelpetil12@gmail.com. http://misyonaksyon.blogspot.com (Misyon Aksyon / Arnel Petil)
268