PUNA ni JOEL O. AMONGO
PINAG-AARALAN na ng legal team ng nasa isang libong magsasakang biktima ng malawakang land grabbing ng Yulo King Ranch sa mga bayan ng Coron at Busuanga, Palawan, ang pagsasampa ng kasong graft laban kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ma. Antonina Yulo-Loyzaga dahil sa “CONFLICT OF INTEREST”.
Si Yulo-Loyzaga ay nahaharap ngayon sa kontrobersiya dahil sa pag-angkin sa 40,000 ektaryang lupain sa dalawang nabanggit na bayan sa Palawan na inirereklamo ng mga magsasaka.
Ayon kay Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK) Spokesperson Orly Marcellana, pinoproseso na ng kanilang hanay sa tulong ng kanilang legal counsels, ang pagsasampa ng kaso sa Office of the Ombudsman laban kay Sec. Yulo-Loyzaga dahil malinaw na may “CONFLICT OF INTEREST” ang pagkakatalaga dito bilang kalihim ng DENR, na umaangkin sa 40,000 ektaryang lupain sa Palawan.
Ang Manila Regional Trial Court Branch 17 ay naglabas ng resolusyon sa pagtatalaga kay Yulo-Loyzaga (DENR SECRETARY), bilang ito ang EXECUTOR ng YKR CORPORATION.
Ang usaping ito ay iimbestigahan ng Kamara matapos na maghain si ACT Party-list France Castro ng resolusyon para magsagawa ng “INVESTIGATION IN AID OF LEGISLATION”.
Kabilang sa mga itinalaga ng korte bilang mga CO-ADMINISTRATOR ay isang MA. PAZ SOCORRO J. YULO CAMMACK na kapatid ng DENR SECRETARY.
Tagapagmana naman ng YUMAONG si JOSE A. YULO ay sina TERESA J. YULO, CECILIA J. YULO, MARIA TERESA CARMEN J. YULO GOMEZ, JOSE LUIS J. YULO, JOSE ENRIQUE J. YULO, MA. CARMEN J. YULO, JOSE MANUEL J. YULO at JOSE MARIA J. YULO.
Sinabi ni Marcellana na may CONFLICT OF INTEREST sa naging pagtalaga at pagtanggap sa pwesto ni YULO-LOYZAGA bilang kalihim ng DENR.
Dahil dito, hinimok ng mga magsasaka si House Speaker Martin Romualdez na magpakita ng sinseridad ang administrasyon sa pagpapatupad ng REPUBLIC ACT 6657 o ang Comprehensive Agrarian Reform Law.
Kamakailan, nag-utos si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa Department of Agrarian Reform (DAR) na kumpletuhin na ang pamamahagi ng LAND TITLES sa mga karapat-dapat na Agrarian Reform Beneficiaries (ARB).
Ayon naman sa bumubuo ng MAKABAYAN BLOC, malinaw umano na may CONFLICT OF INTEREST kay DENR Secretary Yulo-Loyzaga para sa kapakanan ng YKR na pagmamay-ari ng Yulo family sa PALAWAN.
Sinabi ni ACT Party-list Rep. Castro na si Yulo-Loyzaga ay nahaharap sa kasong ETHICAL VIOLATION nang tanggapin nito ang posisyon gayung alam niyang pinipetisyon ang YKR na ipamahagi na sa mga magsasaka ang lupain sa ilalim CARP.
Lumabas sa FACT-FINDING AND SOLIDARITY MISSION REPORT noong taong 2014 na sumasaklaw sa Coron at Busuanga, inilarawang “THE LARGEST AGRARIAN ANOMALY IN THE COUNTRY” ang land grabbing case ng YKR.
Bago pa umano naangkin ng YKR ang malawak na lupain ay may mga naninirahan at nagsasaka noon pang 1930’s, subalit dahil sa land grabbing ay napagkaitan ang mga magsasaka, base sa Fact Finding Team.
Sa panayam ng Fact Finding Team sa mga residente mula sa 8 villages, ang mga naapektuhan ay ang DECALACHAO, GUADALUPE, SAN JOSE, SAN NICOLAS sa CORON at QUEZON, NEW BUSUANGA, CHEEY at STO. NIÑO sa BUSUANGA.
Ayan ang tunay na may “CONFLICT OF INTEREST”, isang libong (1K) magsasaka ang nagrereklamo.
oOo
Para sa sumbong, mag-email sa joel2amongo@yahoo.com o mag-text sa cell# 0977-751-1840.
207