LENI SUPPORTERS NILAGLAG SI SEN. GORDON SA SENATORIAL LINE UP

DAHIL sa diumano’y pagiging bastos ay dismayado ang mga Kakampinks kay Sen. Dick Gordon at kumalat ang hashtag na #DropGordon para sa ­senate slate ni presidential candidate Leni Robredo.

Hindi umano masikmura ng mga supporter ni Robredo ang kabastusang ipinapakita ni Gordon sa mga campaign sortie nila.

Sa rally sa Nueva Ecija ng kampo nina Robredo ay hindi umano nagustuhan ng mga kakampinks ang inasal ni Gordon. Nang ipakilala niya ang isang kasama sa senatorial slate na si ­dating Rep. Teddy Baguilat ay ginaya niya ang katutubong sayaw para ilarawan si Baguilat sabay tawa sa bandang huli.

Ayon sa ilang tweet ng mga netizen, hindi lang ginagaya ni Gordon si Baguilat kundi mayroong ­pangungutya.

Sang-ayon ako sa ­obserbasyon ng mga ­netizen na dapat magkaroon ng cultural sensitivity si Gordon sa ganitong pagkakataon.

Iba pa umano ito sa nangyari sa isang sortie sa Surigao City na inagawan ng mikropono ni Gordon ang kinatawan ni Sen. Leila de Lima na siyang unang dapat na magsasalita sa entablado.

Kabilang pa sa bastos line ni Sen. Gordon sa Zamboanga sortie ay ang katagang “Ipasok ninyo si Dick! Sa balota ha? Hindi sa kung anong butas.” Ano ba ‘yan Sen. Dick?!

Sa Facebook post ni Zena Bernardo, ang ina ni Ana Patricia Non na nasa likod ng Maginhawa Community Pantry, iginiit nito na dapat ibasura si Sen. Gordon dahil bastusan ang pangkiliti nito sa mga botante at bagay lamang aniya ang senador sa red strip ng Olongapo at hindi sa buong Pilipinas.

Tinawag din nitong free loader ang senador na may libreng appearance sa stage ni VP Leni subalit never na inendorso naman ang­ kandidatura ni Robredo. Tanong pa nito kung bakit pinapayagan ng organizer na nasa listahan si Gordon na isang oportunista to the max, at hindi umano ­kaaya-aya ang bastos na bibig nito.

144

Related posts

Leave a Comment