LMB MANPOWER TINATAWAGAN NG PANSIN

AKO OFW

Dumulog sa Ako OFW ang isa nating kabayani mula sa Hofuf, Saudi Arabia na si OFW May Lyn Sandel. Ang kanyang ahensya sa Pilipinas ay ang LMB Worldwide Services.

Humihingi ng tulong si OFW May Lyn Sandel na makauwi na lamang sa Pilipinas dahil sa masamamg pagtrato sa kanya ng kanyang employer. Diumano ay hindi siya binibigyan ng maayos at sapat na pagkain sa araw araw simula pa noong siya ay dumating sa kanyang employer noong March 20, 2019. Ultimo kamatis at kape na maaari na sana niyang makain para hindi siya malipasan ng gutom ay ipinagdaramot din sa kanya.

Halos nanginginig na siya sa gutom sa araw-araw nitong paninilbihan. Pakiramdam nga niya ay nabibingi na siya kapag sobra na ang gutom niya.

Masaklap pa nito, bukod sa kanyang employer, ay dinadala rin siya ng kanyang amo sa iba pang bahay para doon naman maglinis ng bahay at para sa iba pang gawain. Mistula talaga siyang inalipin ng kanyang employer na maging ang sofa at mabigat na carpet ay siya lamang ang pinagbubuhat.

Upang masiguro na hindi makapagsusumbong sa kanyang ahensya, ay binuhusan ng tubig ng kanyang employer ang cellphone ni Sandel.

Isinusumbong din niya na hindi rin siya binibigyan o kulang ang sweldo kung kaya siya ay humihingi na ng tulong upang siya ay makauwi na lamang sa Pilipinas sa lalong madaling panahon.

Nakikiusap ang Ako OFW sa LMB Worldwide Services upang kanilang bigyan ng mabilis na aksyon at tamang atensyon ang hinaing na ito ni Sandel.

oOo

Magandang balita para sa mga bago pa lamang magiging OFW, ako po ay magbubukas ng aking bagong Asclepius Medical Diagnostic Clinic na matatagpuan sa Gen. Tinio St., Bangkal Makati City. Kumpleto at modernong kagamitan sa x-ray, ultrasound at laboratory ang ating ginagamit. May malaking diskwento ako na ibibigay sa mga mi­yembro ng Ako OFW. Mag-download lamang ng ating Bantay OFW mobile apps na matatagpuan sa android Play Store para kayo ay magkaroon ng sariling ako OFW ID.

oOo

Ang Ako OFW ay naglalaan ng espasyo para sa anumang kahilingan, sumbong o opinyon ng mga OFW. Magpadala lamang po ng inyong sulat sa aking email drchieumandap@yahoo.com (Ako OFW / DR. CHIE LEAGUE UMANDAP)

189

Related posts

Leave a Comment