MVIS CERTIFICATE PEKE – TESDA

Misyon Aksyon

Kinumpirma ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na peke ang ibinigay na certificate of training noong March 15 kay Gilson Busa para sa Motor Vehicle Inspection Service (MVIS). Ito ay dinaluhan noong March 5 at 10, 2019 sa kanyang training na may lagda ng service administrator ng Regional Training Center Central Luzon (RTCCL) Guiguinto Bulacan.

Ito ang paliwanag ng opisyal, “Arnel: TESDA does not issue the attached certificate. We always use NPO printed with security feature certificates. The signatories are also not related with TESDA.”

Panawagan naman ni Salvador T. Francisco, isang concern citizen na dapat ipasara ang nasabing accredited TESDA school dahil nasisira ang imahe ng ahensya at nagagamit ng ilang may pansariling interes na kasabwat ng  ilang tiwaling ahensya ng gobyerno.

DTI palpak?

Misyon Aksyon, pakibulabog ang Department of Trade and Industry (DTI) na naglalabas ng iskedyul (joint administrative order) na mukhang nahawa na sila ng DOTr at LTO dahil kung magbigay ay agad-agad, ang kanilang public consultation ay dinadala pa sa napakalayong lugar.

Sana po bigyan naman nila ng konsiderasyon ang publiko. Hindi ‘yong ura-urada, tuloy ang daming hindi nakakadalo at sayang lang ang perang ginastos sa kanilang binabayarang venue.

Tinatawagan ng pansin: DTI Sec. Ramon M. Lopez at Director Domingo R. Tolentino. Mga Sir, maganda ang layunin ninyo sa JAO ngunit mukhang minamadali ang mga  dapat konsultahin. Ayon po sa reklamo ng PETCs hindi ang­kop ang mga venue na pinagdarausan, maging ang mga  pampublikong konsultasyon kasama ang mga nagtatalyer ay masalimuot.

Dapat maging sensitibo ang gobyerno sa mga bagay na akma sa bawat kinauukulan para hindi ito maging sagabal sa negosyante at consumer. Higit sa lahat  hindi nasasa­yang ang pera ng kaban ng bayan.

Gumaya kayo sa ilan nating ahensya na dumaraan muna sa masusing pag-aaral. Na walang binibigyan ng pabor at serbisyong maayos sa ating mga kababayan para  naman matuwa ang ating pangulo sa  inyo.

BUKAS  PO ANG AKING KOLUM PARA SA INYONG  PANIG AT KAPALIWANAGAN. NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA. CELLPHONE NO. SMART. 09420874863 /09755770656 EMAIL AD: MISYONAKSYON@YAHOO.COM/ ARNEL_PETIL@YAHOO.COM/ARNELPETIL12@GMAIL.COM HTTP://MIS­YONAKSYON.BLOGSPOT.COM (Misyon Aksyon / ARNEL PETIL)

215

Related posts

Leave a Comment