TARGET NI KA REX CAYANONG
HINDI nagsasawa at bukas-palad na nag-aabot ng tulong ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa mga kababayan nating salat sa buhay.
Sa ganitong paraan, mararamdaman nilang sa ganitong pagsubok at hamon ng buhay ay hindi sila nag-iisa.
Kaagapay ng mga Pinoy ang PCSO sa lahat ng pagkakataon.
Binuksan naman kamakailan ang PCSO Rizal na ikinalugod ni Gov. Nina Ricci Ynares.
“Mas accessible na sa mas nakararaming Rizalenyo ang PCSO dahil simula [nitong] January 23, ang PCSO Rizal Office ay nasa Antipolo na para tumanggap ng application para sa financial assistance for hospitalization o hospital bills gaya ng dialysis, chemotherapy, bone implant, at marami pang iba,” wika ng masipag na gobernadora.
“Pwede rin dito mag-process ng new lotto agent applications o manage ng existing lotto agents, at mag-claim ng prizes of up to P300,000.”
Sinabi ni Ynares na ang new PCSO Rizal Branch “ay matatagpuan sa Ground Floor, Ynares Center Annex Building, Circumferential Road cor. P. Oliveros St.,Ynares Center Complex, Antipolo City, at open po mula 8:00 am to 5:00 pm, Mondays to Fridays.”
Samantala, kamakailan ay naikabit at naging fully-functional na ang eco-friendly solar streetlights sa porsyon ng Brgy. San Guillermo, Morong, sa nasabing lalawigan.
Ito’y bahagi raw ng “Yes to Green Program” ng lalawigan.
“Sana all pero hindi kayang sabay-sabay lagyan. Basta ang mahalaga, tuloy-tuloy ang paglalagay natin hanggang buong Rizal ay magkaroon,” pahayag ni Ynares.
Nagkaroon din ng blessing kamakailan ng newly built 2-storey Multipurpose Building para sa senior citizens sa Esla Urban Homes Marick Subdivision, Brgy. Sto. Domingo sa Cainta.
Ayon kay Ynares, ang 1st floor ng Multi-Purpose Building ay magsisilbing mini-gym kung saan maaaring mag-workout ang mga lolo at lola.
Napagkalooban naman ng cash gift si Dr. Brigido Leyva na nagdiwang ng kanyang ika-100 kaarawan kamakailan.
Dahil centenarian, ayon kay Gov. Ynares, siyempre’y “may hatid tayong 100k pesos at certificate mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Rizal.”
Ilan lamang iyan sa bumabahang mga proyekto at programa ng gobernadora.
Mabuhay po kayo, Gov. Nina Ynares, at God bless!
