PAGSASAPUBLIKO NG KALUSUGAN NG PANGULO ‘DI KAILANGAN SA NGAYON

PRO HAC VICE

Bagama’t aminado si DOJ Secretary Menardo Guevarra na nakasaad sa Konstitusyon na obligasyon ng pangulo ng bansa na ihayag sa publiko ang anumang seryosong kondisyon nito. Pero paliwanag ni Secretary Guevarra na hindi obligado ang pangulo na isapubliko ang kanyang health condition kung hindi naman ito seryoso.

Dagdag pa niya ay walang malalang kondisyon si Pangulong Duterte dahil tuluy-tuloy naman nitong nagagampanan ang kanyang trabaho at kahit sa kanilang cabinet meeting ay lagi naman itong naroroon.

Kaya para roon sa masyadong nagmamadali na mawala na sa puwesto si Digong, mukhang tatlong taon pa ang hihintayin ninyo para makagawa kayo ng kapalpakan!!!

oOo

Dalawa sa nakatakdang isailalim sa public interview ng makapangyarihang Judicial and Bar Council (JBC) sa darating na Huwebes, May 23, 2019 para sa mababakanteng posisyon ng Deputy Ombudsman for Luzon dahil sa nakatakdang pagreretiro ni Gerard Mosquera sa darating na June 1, 2019 ay ang mga opisyal ng Ombudsman na nasa hot water noong panahon ng appointee ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na si dating Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Ang mga naturang opisyal ay sina Ombudsman Special Prosecutor Cornelio Somido at Ombudsman Director Beda Epres.

Si Somido kaya ay bahagi ng unang panel ng mga prosecutors na nagpawalang-sala kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kasong plunder dahil na rin sa kawalan ng sapat na basehan na kalauna’y pinagtibay naman ng Korte Suprema.

Samantalang si Epres ay naka-floating status noon dahil lamang sa pagiging tauhan ni dating Ombudsman Merciditas Gutierrez.

Kabilang din sa isasailalim sa public interview ng JBC ay si dating DOJ Undersecretary Erickson Balmes kasama si Quezon City Regional Trial Court Judge Rafael Hipolito at sina Eusebio Avila, Eduardo Bringas, Jacinto Dela Cruz Jr. at Rodolfo Noel Quimbo.  (Pro Hac Vice / BERT MOZO)

137

Related posts

Leave a Comment