PANIBAGONG HAMON KAY RED MARIÑAS

0

BISTADOR Ni RUDY SIM

MULING sasabak sa panibagong hamon ang ­dating opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na si Marc Red Mariñas matapos ang maraming pagsubok sa buhay na pinagdaanan nito.

Hindi man pinalad noong 2019 elections bilang alkalde ng lungsod ng Muntinlupa ay muli itong bumangon sa kagustuhang makapaglingkod sa Muntinlupeños na mabigyan pa ng mas maayos na serbisyo lalo ngayong panahon pa rin ng pandemya at dumaraan pa rin sa kahirapan ang bawat barangay.

Bagama’t ginagamit ng kalaban nito sa pulitika ang pagkakadawit nito sa Pastillas Scheme ay lakas loob na sinagot ni Mariñas na siya ay hindi nakasuhan sa Ombudsman sa naturang kaso at katunayan ay pinagkalooban siya ng ­clearances mula sa BI at Ombudsman na wala itong naging kaso sa gobyerno sa loob ng 15 taon serbisyo.

Mula nang magbitiw si Mariñas bilang deputy commissioner at Port operations division chief noong 2018 ay pinalitan siya bilang POD Chief ni Grifton Medina. Ngunit dahil sa hindi hinayaan nina Mariñas at Medina na ­manaig ang korapsyon sa airport ay ­nahaluan ng pulitika ang isyu ng Pastillas kung saan sa kagustuhang makaporma ng ilang sindikato sa airport na ­magpayaman at makuha ang dating puwesto ni
Mariñas ay nagkaisa ang ilang mga ­tiwaling tauhan sa ahensya at isang mambabatas upang siraan ang mga dating opisyales at maging mabango sila sa publiko.

Ngunit sa pamamagitan ni DOJ Secretary Menardo Guevarra ay hindi niya hinayaang manalo ang sindikato na kinabibilangan ng isang alias SirRAULo upang makapuwesto sa airport.

Sa tatlong dekada ko na bilang mamamahayag na naka-­assign sa BI ay nakita ko kung paano nagbigay ng serbisyo-publiko ang mga Mariñas.

Ang ama ni Red ay isang ordinaryong intelligence agent ng ahensya na naglingkod ng ilang dekada at marami itong ­naarestong mga ilegal na
dayuhan upang mapanatili ang national security ng ating bansa hanggang sa magretiro na walang ano mang kasong kinasangkutan.

Kung kaya’t naging idolo ni Red Mariñas ang kanyang ama na makapaglingkod sa mamamayan. Hindi man ugali ni Red ang gumanti sa
kanyang mga kalaban sa pulitika laban sa kanilang mga paninira ay kagaya ito ni Bongbong Marcos na may respeto sa kapwa at pinalaki ng kanilang magulang na may takot sa Diyos at taos-pusong paglilingkod sa kapwa.

Para sa inyong sumbong at reaksyon, maaaring i-text ako sa 09158888410.
(ANG mga ipinapahayag sa kolum na ito ay ­sariling opinyon ng sumulat at hindi ­saloobin ng pahayagang SAKSI Ngayon – Patnugot)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment