SUPORTADO ng buong regional heads, ranking officials at empleyado ng Public Attorney’s Office kasama ang mga pamilya ng mga nangamatay na bata dahil sa Dengvaxia vaccines, tahasang nagtatanong si PAO chief Persida Rueda-Acosta sa kanyang accuser-lawyer Wilfredo Garrido Jr. Sino ang boss mo?
Sa isang press briefing kasama si forensics chief Dr. Erwin Erfe na isa ring inaakusahan ng korapsyon na kanilang parehong tinawanan lang at itinanggi, iginiit ni Acosta na may mga taong nagpapagalaw kay Garrido na nagsumite sa Ombudsman ng isang unsigned manifesto raw ng PAO lawyers na nag-aakusa sa dalawang opisyal.
“Ang tanong ko lang sa iyo Attorney Garrido, sino ang boss mo?” ani Acosta subalit iniwasan n’yang magbanggit ng pangalan na aniya’y may kinalaman pero nangakong lalabas din ang katotohanan sabay ng challenge sa mediamen na ‘mag-research’ din dahil sila mismo’y malalaman nila kung sinu-sino ang may pakana.
Sa totoo lang, kung may katiwalian sa PAO dapat mismong Commission on Audit ang mag-iingay rito.
Linggo ng Kabataan
Sa selebrasyon ng Linggo ng Kabataan sa Navotas may 54 estudyante mula sa mga pampubliko at pribadong hayskul sa lungsod ang nabigyan ng oportunidad na magsilbing city officials at department heads sa loob ng isang linggo.
“Bagaman ilang araw lang kayo naglingkod bilang youth officials, umaasa ako na mananatili sa inyo ang mga aral na inyong napulot dito. Gamitin ninyo ang inyong karanasan para mapaunlad ang inyong sarili at sikapin na maging mas epektibong lider ng mga kabataan,” ani Mayor Toby Tiangco.
Para kay Congressman John Reynald Tiangco naman: “Bigyan ninyo ng importansya ang bawat gawain na itinatalaga sa inyo. Ang simpleng gawain ay nagtuturo ng disiplina at pagtitiyaga, pati na ng pagiging malikhain. Ang mga kahalagahan o values na ito ang magbibigay-daan para maabot ninyo ang tagumpay.”
49 inmates, ALS graduates na
Dahil sa Alternative Learning System ng Navotas government may 15 na city jail inmates ang nagtapos sa elementarya at 34 naman sa hayskul.
“Iwasan ninyong masangkot sa droga at iba pang masasamang aktibidad. Gawin ninyong produktibo at makabuluhan ang panahong inilalagi ninyo rito,” ani Mayor Toby.
“Mag-aral kayo ng bagong kasanayan at paghandaan ninyo ang inyong paglaya. Sa araw na iyon, dapat handa na kayong gumawa ng bago at mas magandang buhay para sa inyong sarili at pamilya.” (Early Warning / ARLIE O. CALALO)
148