PARUSANG KAMATAYAN SA DRUG LORDS AT PLUNDERER

SIDEBAR

Sa ilalim ng administras­yon ni Pangulong Fidel V. Ramos naging ganap na batas ang pagbabalik ng Death Penalty sa mga tinatawag noon na heinous crimes gaya ng kidnapping-for-ransom, drug trafficking, rape, murder at carnapping with homicide.

1993 naging batas ang Republic Act 7659 na nagpanumbalik sa capital punishment bilang tugon sa lumalalang kriminalidad sa bansa partikular ang mga kaso ng kidnapping, bank robbery at rape with murder.

Hindi agad naipatupad ang RA 7659 dahil naghintay pa ito ng panibagong batas noong 1996 na tinawag na RA 8177 o ang batas na nagtakda na lethal injection ang pamamaraan ng pagpapatupad ng death penalty sa mga convicted sa mga karuma-dumal na krimen o heinous crimes.

1999 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Joseph Estrada unang naipatupad ang death pe­nalty sa convicted child rapist na si Leo Echegaray. Dito nakilala si Martin Dino na barangay chairman ng lugar kung saan nakatira si Echegaray at kung saan naganap ang krimen.

Hindi na nasundan si Echegaray dahil nagpasya si Estrada na magkaroon ng moratorium noong taong 2000 bilang paggalang sa selebrasyon ng Simbahang Katoliko sa ika-2,000 taong kapanganakan ni Hesukristo.

2006 nang maging batas ang Republic Act 9346 na nagpawalang bisa sa Death Penalty Law (RA 7659) ayon na rin sa kahilingan ni Gng. Gloria Macapagal-Arroyo na naninindigan sa kanyang pagiging pro-life at anti-death penalty.

At nitong nakaraang SONA (State of the Nation Address) ni Pangulong Duterte, muli siyang nanawagan sa Kongreso sa panunumbalik ng parusang kamatayan partikular sa mga drug lords at politikong sangkot sa kasong pandarambong o plunder.

Presidential campaign pa lang ay bahagi na ng adbokasiya ni Duterte na ibalik ang parusang kamatayan lalo na sa mga malalaking drug lord na sa kabila ng kanilang pagkakakulong sa New Bilibid Prisons ay patuloy na nakakapagtransaksyon ng kanilang ilegal na negosyo kasabwat ang mga tiwaling opisyal ng NBP.

Mismong Chinese drug lords sa Muntinlupa ang nagsasabing hindi sila takot magnegosyo ng droga sa Pilipinas dahil walang death penalty at kayang-kaya nilang suhulan ang mga guwardiya sa NBP at maging ang mga miyembro ng Philippine National Police na corrupt.

Nilimitahan ni Pangulong Duterte ang death penalty sa drug lords at mga mandarambong sa gobyer­no dahil tiyak na hindi mahirap ang malalaking drug traffickers at mga kasabwat nito sa gobyerno.

Gayundin ang mga opisyal ng pamahalaan — appointed man o halal ng bayan — na nagnanakaw sa kaban ng bayan ng halagang P50 milyon o higit pa.  (Sidebar / RAYMOND BURGOS)

113

Related posts

Leave a Comment