PBBM, INILILIGAW YATA NG MGA SINDIKATONG NASA LIKOD NG DROGA SA BANSA

RAPIDO NI TULFO

NANGAKO si Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang huling SONA na tututukan ang malalang problema sa droga.

Isang araw matapos nga ang SONA ay naglabas ang Malacañang ng listahan ng mga pangalang sangkot sa nasabat at nawalang 990 kilo ng shabu, ganoon din sa natagpuang shabu na itinago sa isang magnetic lifter sa Maynila.

Pero ang ipinagtataka ng mga kapulisan, bakit magkaiba ang mga nasa listahan (na pawang mga kilalang kaalyadong pulis ni dating Pangulong Duterte) at ang mga taong humarap sa imbestigasyon ng Senado at Kongreso.

Matapos nga ang imbestigasyon ay inirekomenda ng Senado at Kongreso na kasuhan ang mga taong sangkot dito.

Bulung-bulungan nga ng mga matitinong pulis ay kung mapapahanap lang sana ni PBBM si dating Police Col. Eduardo Acierto, na kasalukuyang may warrant of arrest, ay malalaman daw ni PBBM ang kasuluk-sulukan ng sindikato ng droga sa bansa.

Dapat ay gamitin ni PBBM ang kanyang kapangyarihan para matukoy ang tunay na pinag-uugatan ng problema sa droga sa bansa, para na rin sa kapakanan ng ating mga kabataan at ng ating bansa.

Kailangang maging matibay ang paninindigan ni PBBM upang masawata ang problemang ito at hindi basta maniwala lang sa mga sinasabi sa kanya ng mga nasa paligid n’ya na halata namang maraming itinatago sa kanya.

84

Related posts

Leave a Comment