PINAY DH MINOMOLESTIYA, SAINT ROSALYA RECRUITMENT AGENCY TINATAWAGAN NG PANSIN

BANTAY OFW

Nagpadala ng sumbong at paghingi ng saklolo sa pamamagitan ng Bantay OFW mobile app at pati na rin ng kanyang video si A. Guinto na isa nating kabayani na nasa Abha, Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon sa kanya ay siya ay nakarating sa Saudi Arabia sa pamamagitan ng Saint Rosalya Recruitment Agency at ang kanyang ahensya sa Saudi Arabia ay ang Abdulla Abo Alamah Recruitment.

Sa kanyang salaysay ay sinabi niya na “Andito po ako sa Sab Alahi Abha Riyadh. Ako po ay hinihipuan ng kapatid na lalaki ng amo kong babae. Makailang beses na po niya ako nahipuan sa maselang bahagi ng aking katawan at niyakap po ako at dinikit ang kayang ari sa aking katawan. Humihingi po ako ng tulong sa inyo na maialis dito sa bahay nila at makauwi sa pamilya ko sa Pilipinas. Nagmamakaawa po ako.”

Nakipag-ugnayan din sa akin ang kanyang kapatid na si Arvin na talagang sobrang nag-aalala na sa kanyang kapatid lalo na kapag oras na malapit ng umuwi sa bahay ang employer dahil sa pangamba na muli na naman siyang momolestiyahin ng kapatid ng kanyang employer.

Agad nating ipinaalam sa ating mga kapwa advocates sa Saudi ang kanyang sitwasyon upang gabayan si Guinto at upang direktang ipa¬alam at makipag-ugnayan sa Assistance To National Unit ng Philippine Embassy sa Saudi Arabia.

Ako ay nanawagan at nakikiusap sa Saint Rosalya Recruitment Agency na bigyan pansin nila ang panawagan ni Guinto na matagal nang humihingi ng tulong ngunit tila hindi binibigyang pansin at aksyon. Obligasyon ng ahensya na mapangalagaan ang bawat worker na ipinapadala sa ibang bansa.

Huwag na sanang anta¬yin pa ng Saint Rosalya Recruitment Agency na humantong pa sa pangagahasa kay Guinto bago pa sila kumilos, dahil kapag ito ay mangyari ay kami na mismo ang mananawagan kay Secretary Bebot Bello upang suspendihin ang kanilang ahensya.

Para sa lahat ng ating mga kabayani, siguruhin po ninyo na kayo ay mayroong Bantay OFW mobile app, upang masiguro na mabilis ninyong maipaparating sa akin ang inyong sitwasyon. Libre po ito na mada-download sa Android Playstore. (Bantay OFW / DR. CHIE LEAGUE UMANDAP)

149

Related posts

Leave a Comment