POLICE SCALAWAGS SA MGA DDEUPOLICE SCALAWAGS SA MGA DDEU

SIDEBAR

Talagang hindi sa bagong uniporme o sa bagong rank system ng Philippine National Police (PNP) masusukat ang pagiging disiplinado at episyente sa paggampan ng tungkulin ng a¬ting kapulisan. Sadyang may mga pulis na likas na abusado at korap at patuloy na gu¬magawa ng iba’t ibang uri ng kalokohan at mga ilegal na bagay at ito ang nagbibigay dungis sa imahe ng PNP.

Kaya nga hindi natin masisi si PMajGen Guil¬lermo Eleazar ng National Capital Region Police Office (NCRPO) nang hindi siya makapagpigil sa isang pulis-Marikina na nahuli sa aktong nangingikil sa asawa ng isang drug suspect.

Inaresto ng mga tauhan ng Regional Special Operation Unit ng NCRPO si PCpl. Marlo Quibete matapos nitong tanggapin ang P20,000 marked money sa tapat ng isang fastfood restaurant sa Barangay Santolan, Pasig City.

Nakatalaga si Quibete sa District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Eastern Police District (EPD). Nanghingi umano ng pera si Quibete kapalit sa kalayaan ni Aries Ochoada na nahuli sa buy-bust operation sa Marikina City.

Nagsumbong ang kinakasama ni Ochoada na si Eva Cabansag dahil sa dami ng hiningi ni Quibete, kabilang ang isang gintong kuwintas na nagkakahalaga ng P60,000 at motorsiklo.

Ani Cabansag: ”Hi¬ningan kami ng P200,000. Sabi ko, ‘di ko kaya. Sabi P100,000 na lang, hindi pa rin kaya. Kung ano na lang meron kami. May pinapirmahan pang deed of sale nu’ng motor namin na kunwari binenta ko sa kanila.”

Nang iharap si PCpl. Quibete sa media, hindi nakapagpigil si Gen. Eleazar sa mangongotong na pulis na kanyang niyugyog, dinuro, at minura. Kitang-kita sa video na ipinalabas sa mga istasyon ng telebisyon kung gaano kagalit ang NCRPO general na sa paningin ko ay tama lang dahil sa kawalan ng takot ni Quibete na gumawa ng ilegal.

Base sa imbestigasyon ng NCRPO, kasabwat ang mga tauhan ng EPD-DDEU, maging ang hepe nito dahil sa nakitang palitan ng text message sa cellphone ni Quibete at mga kasamahan nito sa EPD-DDEU kabilang ang kanyang hepe.

Ipinag-utos na ni Eleazar ang pagtanggal sa puwesto ng lahat ng pulis ng EPD-DDEU na posibleng mahaharap sa kasong robbery at extortion.  “Pinatawag ko iyung iba kagabi, tinatawagan ng kanilang district director, pero hindi na po lumutang. Natakot na siguro dahil sa sitwasyon at namonitor nila na naaresto na itong kasamahan nila,” ani Eleazar sa isang panayam.

Pinaghahanap din ang pitong opisyal ng DEU ng Pasay City Police Station na inireklamo ring nangongotong sa isang drug suspect na si George Revilla na hinihingan ng P100,000.

Nahuli ng Pasay City Police Station-DEU ang suspek na si Revilla nitong Martes at agad na kinikilan ng mga operatiba ng pera ang live-in partner ng suspek kapalit ng kanyang kalayaan.

Nagsumbong ang babaeng kinakasama ni Revilla sa PNP-Counter Intelligence Task Force (CITF) na nagkasa ng operasyon laban sa 7 DEU officer.  Dala ang marked money, pumunta ang babae sa opisina ng DEU sa Pasay, pero kinapkapan siya ng grupo at nadiskubreng marked money ang kaniyang dala.

Kinuha nila ang cellphone ng babae kaya hindi ito nakapagbigay ng senyales sa mga tauhan ng CITF, dahilan para makapuslit sila. Pero naabutan at nahuli ng CITF si PCpl Anawar Nasser na kasama sa pakikipag-usap sa biktima ukol sa paghingi ng pera.

Dapat sigurong pag-aralan na ng pamunuan ng PNP ang pagbuwag sa mga DEU sa NCRPO na malinaw na ginagamit ng mga opisyal at miyembro nito para mangikil sa mga drug suspect kapalit ng pagbangketa sa mga kaso nito. (Sidebar/ RAYMOND BURGOS)

152

Related posts

Leave a Comment