Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na ang pagpapalit ng taon ay nagbibigay sa bawat isa ng pag-asa na ang bagong taon na papasok ay magiging mas maganda para sa bawat isa. Ang paniniwalang ito ay naaangkop din para sa ating bansa.
Bunsod ng naging magandang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2019, napakalaki ng pag-asa na magiging mas maganda at maunlad ito sa taong 2020.
Ayon din kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno, epektibo ang “catch up” plan ng gobyerno dahil sa naging magandang takbo ng ekonomiya natin sa ikatlong bahagi ng 2019. Ang naging magandang takbo ng ekonomiya ng bansa ay maituturing na isa sa pinakamabilis kumpara sa mga malalaking ekonomiya. Sa kabila ng bu-magal na ekonomiya ng buong mundo, naging maganda pa rin ang takbo ng sa Pilipinas.
Sa pagpasok ng 2020, ang buhul-buhol na trapiko ang pinakamabigat na problema ng bansa lalo na sa Metro Manila. Ayon sa datos, tinatayang umaabot sa bilang na 380,000 hanggang 400,000 ang dami ng sasakyang dumadaan sa EDSA kada araw.
Hindi naman tumitigil ang gobyerno sa paghanap ng solusyon sa problemang ito. Sa katunayan, sinabi ni Public Works and Highways Secretary Mark Villar na inaasahang makararanas ng kaginhawaan sa pagbiyahe ang mga moto-rista at mga komyuter ngayong 2020 sa pagtatapos ng Sky Way Stage 3.
Isa ring problema na patuloy ding kahaharapin ng bansa ay ang problema ng numinipis na supply ng kuryente sa bansa lalo na sa panahon ng tag-init kung saan likas ang pagtaas ng demand sa kuryente bunsod ng mataas na temperatura na dala ng tag-init.
Ang Meralco ay handang harapin ang anumang isyu sa supply ng kuryente na maaa-ring kaharapin ng bansa sa taong 2020. Mayroong mga programang nakalatag ang Meralco na siyang pangontra sa kakulangan ng supply ng kuryente sa bansa.
Una, hinihikayat ng Me-ralco ang mga customer nito na gawing bahagi ng buhay ang pamamaraan ng Energy Saving and Efficiency upang makatulong sa pangangasiwa ng demand sa kuryente lalo na sa panahon ng tag-init.
Ikalawa, ang Interruptible Load Program o ILP na isinasagawa sa pakikipagtulungan ng mga commercial at industrial na customer ng Meralco. Kapag kinakailangan, gumagamit sila ng sariling genset upang mas malaking bahagi ng maaaring magamit na supply ay mapunta sa mga residential na customer.
Ikatlo, ang mga pansamantalang Power Supply Agreement. Ito ay nagsisilbing suporta sa mga kontrata ng supply na aprubado ng Energy Regulatory Commission.
Pagdating sa solusyong pangmatagalan, patuloy ang pakikiisa ng Meralco sa buong industriya ng kuryente. Patuloy itong sasailalim sa Competitive Selection Process upang masigurong makukuha ng mga konsyumer ang sapat at maaasahang supply ng kuryente sa abot-kayang halaga.
Isang masaya at masaganang bagong Taon sa inyong lahat! (Sa Ganang Akin / Joe Zaldarriaga)
218