MISYON Aksyon, pakikalampag naman po ang kapulisan ng San Jose Del Monte, Bulacan sa Tower Ville 6-B ng Brgy. Gaya-gaya dahil sa gumagalang adik na rapist na muntik nang mabiktima ang walong taong gulang na batang babae na bumili lamang ng kendi sa kapitbahay. Hinawakan niya ang bata, sinakal at tinakpan ang bibig bago dinala sa isang bakanteng lote.
Nangyari ang insidente noong May 15, 2019, nang makita ng isa nilang kapitbahay na nagkataong bumili rin sa tindahan kung kaya’t naalarma ang naturang rapist.
Mantakin mo nadala na sa bakanteng lote ang bata at ‘di nakayanang sumigaw dahil sa takot. Agad namang nakatawag ng mga barangay tanod ngunit hindi na inabutan ang naturang rapist.
Misyon Aksyon, sana po mahuli ang adik na rapist dahil maraming batang naglalaro sa aming lugar dito sa Barangay Gaya-gaya San Jose Del Monte, Bulacan City.
May nakarating po sa aming impormasyon na sa kanyang pinanggalingang lugar ay may nabiktima na po ang adik na rapist. Sana po maaksyunan agad at mahuli para maresolba ang aming problema.
May isang pangyayari malapit po sa amin, na habang nagpapahinga ang isang mag-boyfriend, at isang kaibigang babae sa ilalim ng puno na abot-tanaw lamang ay dumaan ang isang lalake. Nang makalapit ang lalaki ay biglang tinutukan ng baril ang magkasintahan, sabay lapit sa kasamang babae ng magkasintahan at ginahasa ito. Matapos gahasain ay isinunod ang kasintahan habang pinanonood ng kanyang boyfriend na ginagahasa ng rapist.
Kaya, Misyon Aksyon, hiling namin na magkaroon sana ng round-the-clock ang mga pulis sa aming lugar.
Kaya ang panawagan po namin sa barangay at kay Mayor Arthur Robes ay ma-bigyan ng prayoridad ang kaligtasan ng mga residente.
Gumagalang, Concerned parents ng nabanggit na lugar
oOo
Misyon Aksyon, sarado at ipinasara na po ang color game sa West Point sa E. Rodriguez, Cubao at muli na naman po itong namamayagpag. Dati na po itong pinasara ng hepe ng pulis at barangay ngunit bukas na naman at malakas umano ang financier na taga-Batangas na isang alyas Roy na siyang nagpapalaro sa nasabing lugar.
Katunayan 24/7 na bukas ang color game kaya ang mga adik at mga holdaper doon po nagsisipagtambay at nagpapalipas ng kanilang tama. Pag natalo ay muli na namang titira kaya napakalakas ng tayaan at kapag natalo manghoholdap para may pantaya lamang sa nasabing color game.
Tinatawagan sina Mayor-elect Arthur Robes at PLtCol Orlando Lantajo Castilo Jr., Barangay Captain Victorino H. Gerona.
Mga sir, pakiimbestigahan naman po ang Tower Ville ng Barangay Gaya-gaya sa Phase 6-B na may rapist na adik po na gumagala kasi muntik nang magahasa ang isang 8-anyos na batang babae.
Sana ay huwag na nating hintayin na may magahasa pa at mapatay na batang babae dahil sa kagagawan ng isang adik na rapist.
Sana ipahuli na lang dahil tiyak na kilala naman ‘yan sa lugar ng mga nakakaalam ng kanyang kinaroroonan.
At kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar at Quezon City Department of Public Order and Safety Gen Sandiego. Sir, pakipasadahan po ang West Point dahil pugad umano ito ng mga holdaper at adik na mga mananaya roon.
Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan.
Note: Problema sa SSS, GSIS, PAGIBIG homeowners at iba pa. Cellphone no. Smart 09420874863 / 09755770656 EMAILADDRESS:Misyonaksyon@yahoo.com / arnel_petil@yahoo.com / arnelpetil12@gmail.com http://misyonaksyon.blogspot.com (Misyon Aksyon / ARNEL PETIL)
138