HOPE ni GUILLER VALENCIA
ISIPIN natin ang ating sarili na isang ilog o batis (river) imbes na isang sisidlan ng tubig (reservoir). Marami sa mga tao ang nagiging reservoir, ginagawa ito bilang bahagi na rin para sa paglago ng sarili (personal growth) upang magdagdag ng halaga sa kanilang sarili.
Katulad nila ang sisidlan ng tubig na tanggap lang nang tanggap para mapuno ang sarili. In contrast, ang ilog ay patuloy na dumadaloy o umaagos. Sabi nga, whatever water it receives it gives away. Dapat ay maging ganun tayo para sa pag-aaral at sa paglago natin.
Nakakintal sa ating pag-iisip ang paniniwalang ang kasaganaan ay patuloy nating matatanggap. Hangga’t dedicated tayo sa personal growth natin, hindi natin mararanasan ang kakulangan at lagi tayong mayroong maibibigay.
Ang pagkakaloob natin ng time, expertise, resources nang walang inaasahang kapalit ay patunay na hindi tayo makasarili. Kung tayo ay gumagawa lang dahil may mabilis na kapalit, tayo’y hindi magiging masaya at hindi tayo makapagbibigay nang mabuti.
Samantalang kung tayo ay patuloy na nagpupunla ng kasaganaan, tayo’y makasisiguro na aani nang masagana sa takdang panahon. Ganito ang panuntunan ng matatagumpay na mga tao, alam nila na sa takdang panahon sila’y aani.
Sabi sa bibliya, “Kung ano ang itinanim siyang aanihin… at sa takdang panahon sila’y aani.”
Sa old testament ng bible, may istorya na kung saan si Propeta Elisha ay humingi ng pagkain sa balong babae ngunit kaunti na lang ang kanyang langis at harina para makapagmasa ng tinapay.
Ito nga ay ibinahagi ng balo kay Propeta Elisha.
Sa istorya, imbes na maubos ang langis at harina sa lalagyan niya ay napansin niya na patuloy pa itong dumarami. Totoo ang kasabihang “The more you give, the more you receive or bless.”
Lalong higit ang dakilang Panginoong Diyos na nagbibigay o tumutugon sa ating pangangailangan. Kung ating iisipin, bago nilikha sina Eva at Adan ay ibinigay o nilikha muna niya ang mga pagkain mula sa lupa, dagat at tubig na inumin. Kaya naman, sa lahat ng kumikila sa kanyang kabutihan at kadakilaan, siya ay pinapupurihan, pinararangalan at dinadakila, ito ang tanging maibabalik ng lahat ng tumatanggap ng biyaya mula ng ating Panginoong Diyos.
Tanong, mga kaibigan, naging blessing ba tayo sa ating kapwa? Nagiging good encourager ba tayo? Nagiging daluyan ba tayo ng kabutihan? Nagbabahagi ba tayo ng mga pagpapala na ating tinatanggap? Hopefully, maging river tayo kaysa reservoir! Kung hindi pa, ngayon ang simula! Kung ‘di pa natin nagagawa, ask God, may way siya, pangako niya sa Isaiah 43:19, “I will make a pathway through wilderness; I will create rivers in dry wasteland.” God bless us all! (giv777@myyahoo..com)
1