SERBISYO PUBLIKO MUNA TAYO

At Your Service ni KA FRANCIS

DUMAKO muna tayo ngayon sa public service, lalo sa mga awtoridad na ginagampanan nang maayos ang kanilang mga trabaho.

Ika nga sa slogan, “Serve and Protect”, sa wikang tagalog, “Pagsisilbi at Pagprotekta” sa lahi ni Juan dela Cruz, sana all ganito ang iba pang mga pulis.

Ilan lang naman ang tiwali sa PNP, mas nakararami pa rin ang matitino, tulad ng mga tauhan ni PCol. Cayaban, kaya naman hindi nag-aatubiling suportahan din sila ng mga negosyante sa Lungsod Valenzuela.

Hindi lang nakatutok sa paglaban sa kriminalidad ang PNP Valenzuela kundi mayroon ding silang beautification sa buong siyudad.

Kaya hindi tayo nagtataka na makikita nating malinis ang kapaligiran ng Valenzuela City kasi may sariling beautification program ang mga pulis sa nasabing siyudad. Galing!

Kung gagawin din ito ng iba pang mga pulis tulad ng Caloocan City, palagay ko naman lilinis din ang siyudad.

Sa aking obserbasyon, ang laking kaibahan ng Valenzuela sa Caloocan pagdating sa kalinisan.

Sa Valenzuela City, wala tayong makikitang gaanong nakakalat na mga basura sa gilid ng mga kalye, samantala sa Caloocan City, ang daming nakatambak na mga basura sa mga gilid ng kalsada.

Hindi natin maiwasan na maipagkumpara ang dalawang siyudad dahil sa ating nakikita, kaya naman pala malinis ang Valenzuela City dahil mismo ang kanilang mga pulis ay tumutulong sa lokal na pamahalaan sa kalinisan.

Malaking tulong ang beautification program ng PNP Valenzuela dahil siyempre hindi basta-bastang makapagtatapon kahit saan ang mga residente ng kanilang mga basura dahil huhulihin sila ng mga pulis.

Kaya kahapon, Lunes, Nobyembre 18, sa flag raising and awarding ceremony ay kinilala ni PCol. Cayaban ang malaking ambag sa paglaban sa kriminalidad at kalinisan ng Valenzuela City.

Kabilang sa awardees ay sina PCpt. Joan H. de Leon, PLt. Jesus DY Del Fierro, Jr., PLt. Learni L. Albis, PSSg. Raquel B. Anguluan, PSSg. Karen L. Silverio, PSSg. Eddielyn F. Gutierrez, PSSg. Roland L. Belarma, PCpl. Gilbert E. Asirit, PSSg. Rolan B. Tobello, Pat. Allan C. Caballero, Pat. Elmer F. Olieca, Pat. Raymundo M. Gamboa, Pat. Sherwin M. Caampued, JO1 Christian Domondon, JO1 Arvee Ramirez, at JO1 Raymond Santarin, Jr.

Siyempre, binigyan din ng certificate of appreciation ni Col. Cayaban si Sandy A. Uy na nag-donate ng 650 pirasong timba/balde, tabo at mga paso na pagtataniman ng mga halaman.

Iisa lang ang ibig sabihin niyan, hindi lang mga pulis ang kasama ni Col. Cayaban sa beautification sa kanilang nasasakupan kundi maging ang mga negosyante sa siyudad ay katuwang nila.

Kaya ayon nabago ang pagtingin ng mga taga-Valenzuela sa mga pulis sa kanilang siyudad, kaya makikita natin na ang siyudad ay maaliwalas dahil malinis na, tahimik pa.

Mabuhay po ang PNP Valenzuela at mga negosyante na nagbibigay ng mga pangangailan ng mga kapulisan.

oOo

Para sa inyong katanungan, maaari po kayong tumawag o mag-text sa cell# 0917-861-0106.

63

Related posts

Leave a Comment