TAPUSIN MUNA ANG SEA GAMES

DPA

MAGSISIMULA?na ngayong araw na ito, Nobyembre 30, ang 30th Southeast Asian Games kung saan 58 na sports ang lalahukan ng 11 bansa para malaman kung sino ang pinakamagaga­ling na mga atleta rito.

Kaisa tayo sa pana­langin sa tagumpay ng ating mga atleta at maulit na ma­nguna muli tayo sa paghakot ng mga medalya tulad ng nangyari noong 1991 kung saan ang Pilipinas ang may pikamaraming gold medals.

Huling?nag-host?ang Pilipinas ng SEA Games (23rd) noong 2005 at matapos ang 14 taon ay tayo muli?ang?punong-abala sa pinakamalaking sports event sa rehiyon na kinabi­bilangan ng Indonesia, Thailand, Singapore, Malaysia, Vietnam, Brunei, Cambodia, Myanmar, Laos, Pilipinas at Timor-Leste.

Dumoble ang sports na paglalabanan ngayong 30th SEA Games kumpara noong 23rd Sea Games kaya mas maraming lugar ngayon ang pagdadausan ng mga palaro.

Kailangan lang nating magkaisa at isantabi muna ang mga bangayan hanggang matapos ang palaro sa Disyembre 12 at saka natin singilin ang mga opisyales at support staff na nagkulang sa pagganap ng kanilang tungkulin at papel.

Pero hindi ko masisisi ang mga bumatikos dahil mukhang amateur ang mga organizer ngayon dahil sa dami ng kapalpakan nila mula sa hotel accommodation ng mga dayuhang atleta, pagkain, sasakyan at kung anu-ano pa.

Sa tagal na nating sumasali sa mga ganitong pa­laro, mukhang hindi handa ang organizers dahil kahit sa mga welcome banner, ID ng mga magkukober sa sports ay nakita ang kanilang kapalpakan.

Kung sino man ang nag-imprenta sa ID ng mga mamamahayag kung saan inilagay ang Press Journalist ay dapat pagpaliwanagin kasama na ‘yung nagpagawa ng welcome banner sa airport na walang ka-class-class. Sayang ang ginastos.

Laman ng mga balita sa ibang bansa ang mga palpak na comfort room na may magkatabing?toilet?bowl, press conference room na hindi?pa?napapalitadahan na ayon sa netizens ay mukhang bodega kung saan dinadala ang mga kidnap victim para tortyurin tulad ng nakikita nila na eksena sa mga pelikula.

Hindi rin binilisan ang pagpapaayos ng mga pasilidad kaya nagdatingan na ang mga atleta ay may mga nagpupukpok pa sa paligid ng mga gusaling pagdadausan?ng?palaro gayung?ilan?taon?itong pinag­handaan.

Mukhang hindi naisip ng organizers na nasa social media age na tayo at hindi lang dito sa bansa natin mabubuko ang kanilang kapalpakan kundi sa ibang bansa sa isang pindutan lamang.

Hindi nila pinagbuti ang kanilang trabaho, alam nila na basta may hawak na smart phone at konektado sa internet ay puwede nang ireport sa sambayanan ang nangyayari. (DPA / BERNARD TAGUINOD)

143

Related posts

Leave a Comment