P.4-M DROGA, BARIL, BALA NASAMSAM SA ZAMORA DRUG GROUP

CAVITE – Tinatayang P400,000 halaga ng umano’y shabu, baril at bala ang nasamsam makaraang madakip ang lider ng Zamora drug group at tatlong iba pa na pawang nasa listahan ng high value individuals (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Imus City noong Martes ng gabi.

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Jerome”, lider ng Zamora drug group; “Lea”, “Jason” at “Orlando”, pawang nasa listahan ng high value individuals (HVIs) ng pulisya.

Ayon sa ulat, bandang alas-7:30 ng gabi, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), Cavite Provincial Police Office (PPO) at Imus Component City Police Station (CPS) sa Brgy. Anabu 2E Imus, City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang 65 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P442,000; buy-bust money; kalibre .45 na baril, isang magazine, at apat na bala nito.

(SIGFRED ADSUARA)

35

Related posts

Leave a Comment