P1.4-M SHABU NASABAT SA 6 TULAK SA BULACAN

BULACAN – Anim na umano’y drug dealer ang nadakip at mahigit P1.4 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa magkahiwalay na buy-bust operation ng San Jose del Monte (SJDM) City Police at Bulacan Provincial Intelligence Unit (PIU) sa Barangay Muzon, SJDM City at Barangay Mojon, Malolos City sa lalawigang ito, noong Lunes.

Kinilala ni P/Col. Lawrence Cajie, Bulacan Police director, ang mga arestado na sina Dennis Perez, Irene Torda, Ronald Buentipo at David Martin, nakorner sa Barangay Muzon, SJDM City, at Pete Paul Javier at Dan Anthony Dimagiba, nadakip sa Maunlad Homes sa Barangay Mojon, Malolos City.

Nabatid kay P/Major Julius Alvaro, SJDM City Police chief, nagkasa sila ng buy-bust operation sa Barangay Muzon ng nasabing lungsod at target nila ang apat na mga suspek na kumagat sa anti-illegal drug operation matapos bentahan ang undercover agent na umaktong poseur-buyer kaya kaagad silang inaresto.

Narekober sa apat na mga suspek ang 14 pakete ng shabu na may kabuuang timbang na 205 gramo at tinatayang P1,394,000 ang halaga.

Samantala, ayon kay P/Cpl. Resty Delima, dakong alas-11:30 noong Martes ng gabi nang maglatag din ng buy-bust operation ang Bulacan PIU sa Maunlad Homes sakop ng Barangay Mojon, Malolos City at nadakip ang kanilang target na sina Javier at Dimagiba at nakumpiskahan 14 pakete ng shabu na tinatayang P13,600 ang halaga, at sa buy-bust money. (GINA BORLONGAN)

165

Related posts

Leave a Comment