P1.6-M SHABU SA TEA PACKS NASABAT NG BOC, NAIA, PDEA AT NAIA-IADITG

Aabot ng mahigit sa 1.5M (P1,632,000) na halaga ng shabu na nakalagay sa package ng iba’t ibang tea products ang nasabat ng Bureau of Customs NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa isang warehouse sa Pasay City.

Sa physical examination na isinagawa ng Customs examiner, nadiskubre na ginamit ang packaging ng mga tea products para itago ang white crystalline substance na pinaghihinalaang shabu.

Sa isinumiteng sample sa PDEA laboratory, nag­resulta ito ng positibong eksaminasyon na ang mga pakete ay naglalaman nga ng substance ng methamphetamine o shabu.

Lumalabas sa records na ang package mula sa Malaysia ay katulad din ng shabu na nasabat noong Oktubre 31, 2020, na nakabalot din sa mga tea packaging.

Ang bagahe ay idineklara bilang “Assorted Foodstuff” na ipinadala ng isang “Yong Lee Chei” sa isang consignee mula sa Caloocan City.

Ang nasabing parcel ay ipinasa na sa PDEA para sa case profiling and build up laban sa mga taong responsable upang masampahan na ng mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (Republic Act 9165) at Republic Act 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ang Port of NAIA ay nananatili sa kanilang patuloy na profile goods, conduct x-ray, and K-9 sweeping operations para mapigilan ang paglaganap ng illegal goods sa bansa. (Jo Calim)

344

Related posts

Leave a Comment