P1-M SHABU NAREKOBER SA EX-COUNCILOR, 3 PA

CAVITE – Arestado ng Cavite Police ang dating municipal councilor ng Lanao Del Sur at tatlong kasama nito sa isinagawang buy-bust operation at narekober ang mahigit P1 milyong halaga ng shabu sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang dating municipal councilor na si Haifa Hadjiasis, 50, ng Brgy. Burol Main, Dasmariñas City.

Nadakip din sa nasabing operasyon sina Mila Sultan, 50; Esmael Dimasar, 18, at Jabar Macalanggan, 27-anyos.

Ayon sa ulat ni P/SMsgt. Roberto Lacasa ng Dasmariñas City Police, dakong alas-9:30 noong Sabado ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Cavite at Dasmariñas CPS sa Brgy. Burol Main sa nabanggit na lungsod na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakuha ng mga awtoridad sa mga suspek ang 100 gramo ng shabu na may street value na P1,020,000, drug paraphernalia, marked money at isang puting Toyota Hi Ace na ginagamit umano sa pag-deliver ng shabu.

Bukod sa nakuhang ilegal na droga mula sa ex-councilor, narekober din kina Esmael at Jabar ang ilang sachet ng hinihinalang shabu. (SIGFRED ADSUARA)

165

Related posts

Leave a Comment