P10-B RICE TARIFFICATION TARGET NG BOC NAABOT

Commissioner Rey Leonardo Guerrero-3

Ipinagmalaki ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Leonardo Guerrero na naabot ng kanyang pamunuan ang  P10 bilyong rice tariffication target para sa taong kasalukuyan.

Ito’y  bilang resulta na rin ng kanilang mahigpit na implementasyon sa Republic Act (RA) No. 11203 o mas kilala sa tawag na Rice Import Tariffication Law.

Nagkabisa ang RA 11203 nitong nagdaang buwan ng Marso  na layuning matugunan ang krisis sa bigas sa bansa sa nakalipas na 2018.

Ang Rice Tariffication Law ay ipinalit sa dating quota system na ipinatupad sa rice imports para mas madali sa importers at traders na makapag-import ng butil para matugunan ang kakulangan ng bigas at bumaba ang presyo nito sa mga pamilihan na nakakaapekto sa inflation rate ng bansa.

Base sa report ng BOC, tumaas ang pribadong imported rice sa ilalim ng RA 11203 na may volume na 966,690 metric tons para sa nakaraang buwan ng Marso hanggang Hunyo 2019, kung ikukumpara sa 185,100 metric tons para sa nasabing panahon noong 2018.

Ang pagtaas ng 422.25 % ng volume ay dahil sa RA 11203 na ang average ay 256.445 metric tons per month para sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Ito ay matapos na maipatupad na ang RA 11203 kung ikukumpara sa 46.275 metric tons average per month para sa parehong panahon noong 2018.

Ang pananatili ng volume ng rice importation ay isang malakas na indikasyon na maaabot ng BOC ang P10 bilyong target sa rice tariffication para sa taon.

Sa tulong na rin ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) at maging ng iba pang ahensiya na may kaugnayan sa RA 11203.

Ang RCEF ay binuo para makatulong sa mga magsasaka at maging sa rice farmers cooperatives.

Sa kasalukuyan, ang BOC ay nakakolekta na ng P5.889 bilyon mula sa rice importation.

Dahil dito, unti-unti nang natutugunan ng bansa ang kasiguruhan sa pagkain at ipinangako ng BOC na gagawin nila ang kanilang trabaho para makakolekta ng buwis mula sa industriya ng bigas. (Joel O. Amongo)

129

Related posts

Leave a Comment