Apat na sasakyan na nagkakahalaga ng sampung milyong piso (P10-M) ang nasabat ng Bureau of Customs sa pamamagitan ng Manila International Container Port’s Customs Intelligence and Border Security noong Mayo 26, 2021.
Kumilos ang BOC-MICP sa pamamagitan ng derogatory information na kanilang nakalap kaya ang shipment ay inalerto at naging pakay ng 100% examination.
Sa inspection ng 40 bales ng ukay-ukay ay nadiskubreng naglalaman ito ng 4 vehicles na kinabibilangan ng 1 unit ng Porsche Boxter Sports Car, 1 Unit Mercedes Benz SLK Sports Car at 2 Toyota MR-S Sports Cars.
Ang mga sasakyan ay naka-consigned sa isang JLFDM Consumer Goods Trading na nagmula sa Japan at idineklarang auto spare parts.
Ang nasabat na goods ay tinatayang aabot ng Php 10 Million.
Kaugnay nito, isang Warrant of Seizure and Detention (WSD) ang agad na inisyu laban sa shipment para sa paglabag sa Section 1400 ng RA 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ang pinakabagong pagkakasabat na ito ay parte ng MICP-CIIS’ COPLAN TSEKOT na ang layunin ay ang masawata ang smuggling ng mga sasakyan sa pamamagitan ng MICP.
Dahil ang Bureau ay patuloy na iniimplementa ang anti-smuggling measures, ang MICP sa ilalim ng pamumuno ng BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero ay nananatiling aktibo sa kanilang gawaing border security efforts laban sa smugglers.
(Joel O. Amongo)
142
