MAHIGIT P100,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang hinihinalang tulak na nadamba sa buy-bust operation sa Navotas City nitong Linggo ng madaling araw.
Kalaboso ang mga suspek na sin a McArthur Mena, 21, ng H. Monroy St., Brgy. Navotas West, at April Antonio, 34, ng Brgy. Concepcion, Malabon City.
Ayon sa pulisya, may nagtimbre hinggil sa pagtutulak umano ng ilegal na droga ni Mena kaya’t minatyagan nila ito.
Nang makumpirma ang tip, ikinasa ang operasyon kontra sa suspek malapit sa kanyang bahay na nagresulta sa pagkakadakip dito kasama si Antonio.
Nakumpiska sa mga suspek ang 15.5 gramo ng shabu na tinatayang P105,400 ang halaga, at 400 buy-bust money. (ALAIN AJAERO).
