P110-P274 TOLL FEE HIRIT SA SKYWAY

HINIHINTAY na lang ng San Miguel Corporation (SMC) ang desisyon ng Toll Regulatory Board (TRB) hinggil sa pagtataas ng toll fee sa SkyWay Stage 3.

Inaasahan ng Central Metro Manila Skyway Corporation (CMMSC) na papaboran ng TRB ang kanilang petisyong P110 hanggang P274 toll fee mula sa unahan hanggang duluhan ng Skyway Stage 3, depende sa layo ng tatakbuhan ng mga sasakyan.

Ang Skyway ay ang napakahabang elevated highway na proyekto ng SMC na nagdugtong sa South Expressway at North Expressway.

Bagama’t mayroong bayad, tiniyak ng SMC na napakabilis ng byahe kaysa dumaan sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA). (NELSON S. BADILLA)

352

Related posts

Leave a Comment