P115-M DROGA NASAMSAM NG PDEA

TINATAYANG mahigit P115 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam sa inilunsad ng joint anti-narcotics operation na pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa Cagayan de Oro City.

Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, isang coordinated anti-drug operation ang inilatag ng PDEA 10 – Misamis Occidental Provincial Office, katuwang ang PDEA RO 10 – Misamis Oriental PO, MISOR Airport Interdiction Unit, MISOR Seaport Interdiction Unit, PNP COCPO-CIU, PNP COCPO-PS4, at PNP RDEU 10, na nagresulta sa pagkakaaresto sa dalawang big time drug dealer.

Ayon sa ulat, bandang alas-10:35 noong Miyerkoles ng umaga ay isinagawa ang inilatag na buy-bust operation sa Block 2, Lot 8, Phase 1, NHA, Kauswagan, Cagayan de Oro City, pakay ang itinuturong high value target sa area.

Nang kumagat sa pain ay nakuha mula sa mga suspek ang pitong large vacuum-sealed transparent plastic bags na hinihinalang naglalaman ng shabu na may timbang na 17 kilo at may street value na aabot sa P115,600,000.00.

Kabilang sa non-drug items na nasamsam ng mga operatiba ang buy-bust money, na nakapatong sa boodle money na ginamit sa buy-bust operation, isang brown duffle bag at dalawang touchscreen cellular phones.

Kinilala ni PDEA Regional Director Alex M. Tablate ang mga nadakip na sina alias “Macoy”, 19, ng Kauswagan, Cagayan de Oro City, at “Alex”, 36, ng Tablon, Cagayan de Oro City.

Kapwa nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(JESSE RUIZ)

62

Related posts

Leave a Comment