UMABOT sa P121.4 milyon halaga ng substandard na produkto ng Apple ang sinalakay ng CIDG sa Parañaque City.
Ayon kay CIDG acting director PBGen. Romeo J. Macapaz, nitong Sabado, Hulyo 19, dakong alas-11:30 ng umaga hanggang alas-09:40 ng gabi ay nagsagawa ang CIDG Anti-Organized Crime Unit ng operasyon sa Bay View, Garden Homes 3, Barangay Tambo, Parañaque City.
Nasamsam sa pagsalakay ang mga substandard na produkto ng Apple na kinabibilangan ng 9 na kahon ng Apple iWatches (225 units), 14 na kahon ng MagSafe charger (531 units), 92 box ng AirPods (4,580 units), kabilang ang 7 box ng charger adaptors (2,652 units), 37 boxes ng charger blsets (6,604 units), 37 boxes ng charger boxes (6,664 units), 1 box ng car chargers (70 units), 10 boxes ng charging cords (1,740 units), 2 boxes ng handheld fan (87 units), 3 boxes ng hair dryer (77 units), 3 boxes ng Beats Solo headphones (126 units), isang unit ng iPhone 16, at 1 box ng earphones (110) units na may market value na P121,471,630.00.
Naaresto naman ang dalawang suspek na kinilala lang alyas “Crissa” at “Charles” na nagbebenta ng iba’t ibang produkto ng Apple – iPhone, iWatches at accessories nang walang clearance mula sa National Telecommunications Commission (NTC) at registration mula sa Department of Trade.
Samantala, nahaharap naman ang mga naaresto sa paglabag sa Republic Act 5 (DTI). 7394 o ang Consumer Act of the Philippines in relation to Section 2 ng NTC MC 08-08-2004A. (TOTO NABAJA)
