P13.19-M PUSLIT NA YOSI HULI SA PORT OF DAVAO

Aabot sa mahigit labing tatlong milyong piso (P13.19-M) ang halaga ng puslit na yosi ang nasabat ng Bureau of Customs Port of Davao sa kanilang subport na nasa Parang sa Cotabato City.

Papasok sa bansa ang naturang shipment sakay ng isang motorized banca na may pangalang Al Shameem habang tinatahak ang Rio Grande river nang masakote ito ng pinagsamang pwersa ng Customs Intelligence and Investigation Services (CIIS), Enforcement Security Service (ESS), Philippine Marines, Philippine National Police (PNP) at Philippne Coast Guard (PCG).

Ang ilegal na kalakal ay kinabibilangan ng mga brand ng sigarilyo na Fort, Bravo, Canon, New Berlin, Astro, Famous at Aries na 432 boxes at tinatayang may halagang P13,188.411.09.

“Through stronger relations with our partner agencies, we have increased anti-smuggling activities that has led to higher rates of seizure on illicit goods in our area of responsibility.” ani BOC Davao District Collector, Atty. Erastus Sandino Austria.

Isang Warrant of Seizure and Detention (WSD) ang inisyu laban sa kontrabando dahil sa paglabag sa R.A. 10863 o mas kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).

Kaugnay nito, tiniyak naman ng BOC-Davao sa publiko na ang collection district kasama ang mga subports nito ay nagsusumikap para protektahan ang hangganan ng bansa na naaayon sa kampanya ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero upang pigilan ang smuggling sa bansa.

Kadalasan umanong dumarami ang smuggling sa bansa pagdating ng holiday season partikular na ang may kinalaman sa pagkain, mga damit at accessories.

225

Related posts

Leave a Comment