KINUMPISKA ng mga ahente ng Bureau of Customs ang 21 forty foot container van na naglalaman ng frozen mackerel na tinatayang P178.5 million ang halaga, sa Manila International Container Port (MICP).
Ayon sa BOC Intelligence Group, ang nasabing kargamento ng frozen hasa-hasa o alumahan ay nagmula pa sa China.
Sinasabing walang kaukulang dokumento ang kargamento base na rin sa imbestigasyon ni Customs Deputy Comm. Juvymax Uy.
Ayon kay Uy, wala ring Sanitary and Phytosanitary Import Clearance mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang kargamento.
Agad nagpalabas ng Warrant of Seizure and Detention ang BOC laban sa subject shipment dahil sa paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.
Kahapon, sinuri ni Custom Commissioner Bienvenido Y. Rubio, kasama si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., ang 21 forty-foot containers ng frozen mackerel mula China, sa Manila International Container Port (MICP), na kinumpiska ng Aduana dahil sa kawalan ng kaukulang import clearance.
Nasabat ang nasabing shipment sa inilunsad na anti-smuggling ng BOC’s Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) sa MICP, sa pakikipagtulungan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nasa ilalim ng Department of Agriculture.
Nabatid na nakatanggap ng intel report ang mga tauhan ng pamahalaan hinggil sa paparating na kontrabando na walang kaukulang Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) mula BFAR.
“The absence of the necessary SPSIC poses a serious risk to our local agriculture and fisheries, as well as the health and safety of consumers,” mariing pahayag ni Commissioner Rubio. “It is imperative that all imported agricultural products adhere to established safety and quality standards.”
Ayon naman kay Uy, “This interception serves as a clear reminder that the BOC remains vigilant in enforcing import regulations. We are dedicated to safeguarding our local industries and ensuring that only safe and compliant products enter the market. (JESSE KABEL RUIZ)
77