INSTANT milyonaryo ang isang mananaya ng MegaLotto 6/45 mula sa lalawigan ng Laguna makaraang masolo nito ang jackpot prize.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Melquiades “Mel” Robles, nahulaan ng lone bettor ang winning combination na 44-30-12-24-06-35 na may jackpot prize na P21,538,656.00.
Nabili ang maswerteng tiket mula sa isang outlet sa San Pedro, Laguna. Nasa 23 indibidwal naman ang makapag-uuwi ng tig-P32,000.00 makaraang makakuha ng limang kombinasyon.
Samantala, upang makubra ang jackpot prize, kinakailangan dalhin ang winning ticket sa punong-tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magdala ng dalawang balidong ID.
(TOTO NABAJA)
