SINIMULAN nang talakayin ni Senador Cynthia Villar ang P25.5 bilyong badyet ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa 2021 upang mahusay na mapangalaan nito ang ating kapaligiran.
“We aim to ensure that the proposed budget of DENR will be efficiently utilized towards the conservation, management, development, and proper use of the country’s environment and natural resources, which constitute the primary responsibilities of DENR,” ayon kay Villar.
Kaugnay nito, kinuwestiyon naman ni Senador Imee Marcos ang pagtaas ng 60% sa pondong inilalaan ng pamahalaan sa National Greening Program na tumaas mula sa P3.15 bilyon tungo sa P5.15 bilyon para sa 2021.
Ayon kay Marcos, palagi na lamang natutuklasan ng Commission on Audit (COA) na nabibigo ang ahensiya sa pagtudla sa kanilang targets kaya’t hindi nararapat na itaas ang pondo rito.
“The national government has given billions to this program and yet, year on year, our forest cover is diminished. Has the implementation or the program guidelines significantly changed so that these errors along the way will no longer be repeated?,” ayon kay Marcos.
Dinirinig ng Senate Finance subcommittee ang panukalang P25.5 bilyong badyet ng DENR sa pamumuno ni Villar sa ginanap na virtual hearing.
“Inatasan natin ang ahensiya sa pagbaling mula sa people’s organization approach tungo sa paglalahok ng pamilya sa pagtatayo ng mga plantasyon at pagpapalakas sa paggamit ng punong kawayan upang mapahusay ang survival rate ng puno sa greening program,” ayon kay Cimatu bilang tugon sa katanungan ni Marcos. (ESTONG REYES)
132
