PAMPANGA – Umabot sa P25 milyong halaga ng hinihinalang smuggled footwear ang nakumpiska sa isang bodega sa Barangay Calantipe, sa bayan ng Apalit sa lalawigan nitong Huwebes.
Sinalakay ng mga awtoridad ang bodega sa bisa ng Letter of Authority mula sa Bureau of Customs. katuwang ang Pampanga Police Provincial Office at iba pang police units.
Ayon sa Police Regional Office 3, bago ang inspeksyon, nakipag-ugnayan muna ang mga operatiba sa mga opisyal ng barangay.
Kumatok muna ang mga awtoridad sa nasabing bodega, subalit hindi ito binuksan dahilan upang ito’y binuksan nang pilit ng mga operatiba.
Dito na tumambad sa kanila ang mga footwear na may tatak na “CROCS.”
Patuloy na nagsasagawa ng imbentaryo at imbestigasyon ang mga awtoridad para sampahan ang mga indibidwal na nasa likod ng nasabing operasyon.
(TOTO NABAJA)
84 