P30-M PARA SA OLYMPICS GOLD

POSIBLENG umabot sa P30 milyon ang insentibo sa sandaling makasungkit na ng ginto ang sinumang pambato ng Pilipinas sa Tokyo Olympics.

Inihayag ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino sa PSA online Forum kahapon, tinumbasan ni business tycoon Ramon S. Ang ang P10 milyon din na naunang pledge ni sports patron Manny V. Pangilinan (sa pamamagitan ng MVP Sports Foundation).

“Now RSA is giving the same amount,” panimula ni Tolentino. “I expect more to come once the gold is delivered. It may even reach P50 million.”

Pahayag pa ng POC prexy sa forum na suportado ng San Miguel Corporation (SMC), MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), inaasahang magbibigay ng dagdag na motibasyon sa 19 Pinoy athletes sa Tokyo Games ang nasabing mga insentibo para maiuwi ang kauna-unahang ginto ng bansa mula sa Olympics.

Maliban sa tig-P10 milyon mula kina RSA at MVP, may orihinal na P10 milyon din buhat sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa kabuuang P30 milyon. Ang silver medalists ay tatanggap naman ng P15 milyon at P6 milyon sa bronze.

Tiyak aniya na madaragdagan pa ang mga ito sa ­sandaling makuha ang kauna-unahang ginto ng bansa mula sa Olympics, ayon kay
Tolentino. “This is our time. We’ll win that gold as one.”

Ang Tokyo Games na naantala ng isang taon sanhi ng ­COVID-19 pandemic ay nakatakdang magsimula sa Hulyo 23. (VT ROMANO)

116

Related posts

Leave a Comment