TINATAYANG P4,563,517,903.02 halaga ng ilegal na droga ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Brgy. Aguado, Trece Martires City, Cavite nitong Martes ng umaga.
May kabuuan na 1,136.5521 gramo ng solid illegal drugs, at 657.1300 milliliters na liquid illegal drugs ang sinunog sa pamamagitan ng thermal decomposition o thermolysis, isang proseso kung saan sinusunog ang mga ito sa may 1,000 degrees centigrade na init.
Kabilang sa mga sinunog ang 555.2393 gramo ng methamphetamine hydrochloride, o shabu; 442.9399 gramo ng marijuana; 1.6651 gramo ng MDMA o ecstasy; 117.3860 gramo ng cocaine; 15.8149 gramo ng ephedrine at 0.5070 kilogram ng ketamine.
Kasama rin sa mga sinunog ang mga liquid substance kabilang ang amphetamine, liquid meth, marijuana, toluene at iba’t ibang sinurender na expired medicines.
Ang mga droga at controlled precursors and essential chemicals (CPECs) ay bahagi ng mga nakumpiska sa iba’t ibang drug operations na isinagawa ng PDEA, kasama ang kanilang counterpart law enforcement agencies at military units, at hindi na kailangan na ebidensya sa korte.
Kabilang sa mga sinunog ang mahigit 43,000 gramo ng marijuana (kush) at mahigit 102,000 gramo ng cocaine na nakitang palutang-lutang sa shorelines sa coastal areas ng Palawan noong nakaraang taon at nitong kasalukuyang taon.
(SIGFRED ADSUARA)
72 