NAGING mabilis ang paglago ng ekonomiya ng Iloilo City sa nakalipas na 5 taon sa malaking kontribusyon ng magandang serbisyo ng More Electric and Power Corporation (More Power), ayon sa pag-aaral ng University of Asia and the Pacific (UA&P).
“On average, what is injected in the economy of Iloilo is close to P5 billion or almost 4% of the economy of the city of Iloilo. That’s quite significant,” pahayag ni UA&P President Winston Conrad Padojinog.
Ayon kay Padojinog ang naging malaking factor sa paglaki ng kita ay ang strategic investments at operational improvements na ginawa ng More Power, kabilang dito ang pagsasaayos ng mga equipment at system rehabilitation.
Aniya, nasa 3.8% gross city domestic product ang kontribusyon ng More Power kasama ang 2,200 trabaho na ibinibigay ng kumpanya kada taon o katumbas ng P1.75 billion dagdag na kita.
“You could see that a reliable utility infrastructure, a reliable infrastructure provider, will have reverberating effects on an economy. So the opposite can be true. If you have an unreliable service provider, it will lead to rent-seeking behavior,” pahayag ni Padojinog.
Aminado si Iloilo City Mayor Jerry Treñas na ang pagpapalit ng kanilang distribution utility noong 2020 ang isa sa naging “crucial” sa tinatamasang magandang ekonomiya ngayon ng Iloilo City, aniya, ang magandang electrical landscape ang syang unang dapat na gawin ng mga local government units para mabuksan ang pinto para sa “economic growth”.
“Since taking over the city’s power distribution in 2020, MORE Power has played a crucial role in transforming Iloilo City” pahayag ni Treñas.
Sinabi ni Treñas na ang isinasagawang “extensive infrastructure improvements” ng More Power mula nang magsimula ito ng kanilang operasyon noong 2020 ay nagresulta sa totoong benepisyo para sa mga customers at sa local economy.
Ilan sa natapos na ng More Power ay ang rehabilitasyon ng Molo Substation na 23 taon hindi naisailalim sa maintenance; ang rehabilitasyon ng Jaro Substation na 31 taon nag-ooperate nang walang proper maintenance; ang pagsasaayos ng Mandurriao Substation na 28 taon din na walang tamang maintenance na nagreresulta sa power interruption.
Sa ngayon ay bumaba sa 93% ang interruption frequency sa Iloilo City.
Nagtayo rin ang More Power ng bagong Control Center na may mapping software capability, real-time ang location mapping at 24/7 customer query response.
Nang magsimula ang More Power sa Iloilo City noong Marso 2020 ay nasa 30.10% ang system loss na pinapasan ng mga customer, makalipas ang 6 na buwan ay agad itong naibaba sa 18.98% at makalipas ang 5 taon, ngayong Abril 2025, ay 5.94% ang power system loss.
Sa loob ng 5 taon ay nasa kabuuang 6,838 na ang napalitan na poste;1,376 transformer ang naitayo; 56,794 ang nailagay na bagong electric meter.
Pinakamababa rin ang singil sa kuryente ng More Power sa buong rehiyon na nasa P11.14Kwh.
Inilunsad din ang More Konek o pagtiyak na mayroong kuryente ang bawat kabahayan at walang illegal connection. Ibinaba sa barangay level ang aplikasyon para sa kuryente kaya naman sa kasalukuyan ay nasa 100,070 na ang active customers mula sa 59,940 customer noong 2020.
Batay sa economic data ng Iloilo City, sa bawat P1 na ininvest ng More Power ay P1.28 ang nagiging kontribusyon sa local economic activity.
