LAGUNA – Umabot sa 1,000 gramo umano’y ng shabu na tinatayang P6 milyon ang halaga, ang nakumpiska ng magkasanib na puwersa ng PDEA RO-NCR SDO, PDEA 4-A, PIU Laguna at San Pedro City Police Station sa buy-bust operation nitong Oktubre 14 sa San Pedro, Laguna.
Arestado ang apat na mga suspek na sina Marco Pineda Alejandro, Steve Uy Gonzales, Ariel Priet Santos at Jacques Sanchez Bueno makaraang umano’y bentahan ng ilegal na droga ang mga awtoridad sa Blk. 11, Lot 2, Softball St., Villa Olympia Complex, San Pedro City.
Nakumpiska sa mga suspek ang 1,000 gramo ng umano’y shabu na P6 milyon ang street value at ilang drug paraphernalia.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (CYRILL QUILO)
