P6-M SHABU NASABAT SA CAVITE MALL

CAVITE – Arestado sa pinagsamang puwersa ng Cavite Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang umano’y big time drug pusher at nakumpiska ang mahigit P6 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa isang mall sa Imus City sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Rhoby Riz at Dave Patrick Manlosa, kapwa nasa hustong edad, ng Tanzang Luma 1, Imus City.

Sa ulat sa tanggapan ni Cavite Police Provincial Director, Police Col. Marlon Santos, dakong alas-2:35 ng hapon noong Martes nang ikinasa ang buy-bust operation ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Laguna, PDEA CAR (Baguio City Office and LTIU), PDEA Cavite at Imus City Police Station sa Lotus Mall parking lot sa Brgy. Tanzang Luma 1 na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na nakumpiskahan ng P6,800,000 halaga ng umano’y shabu.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (SIGFRED ADSUARA)

177

Related posts

Leave a Comment