(Ni BOY ANACTA)
Muling nakasabat ang Bureau of Customs (BOC)-Port of Zamboanga, kasama ang iba pang law enforcement agencies, ng 149 reams ng smuggled Cannon Menthol Cigarettes na may katumbas na halagang P74,500 sa isinagawang anti-smuggling operation kamakailan.
Ayon sa report nakasakay sa MV Lady Mary Joy 1, isang pampasaherong bangka mula sa Jolo, Sulu ang naturang kontrabando na nasabat nitong Oktubre 17.
Isang Warrant of Seizure and Detention (WSD) ang inisyu laban sa nasabing smuggled cigarettes dahil sa paglabag sa Executive Order No. 245, “Amended Rules & Regulations Governing the Exportation and Importation of Tobacco and Tobacco Products” at Section 117 ng RA 10863 o kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act of 2016.
Kaugnay nito, hinikayat ni District Collector Segundo Sigmundfreud Z. Barte Jr. ang sibilyan na i-report ang malalamang smuggling operations bilang suporta sa anti-smuggling campaign ng ahensiya.
Simula nang maupo si District Collector Barte ay umabot na sa kabuuang P120 milyong smuggled cigarettes ang nasabat nito.
