P89-M JACKPOT SA SUPERLOTTO 6/49 NASOLO NG TAGA-QUEZON

INSTANT milyonaryo ang isang mananaya ng SuperLotto 6/49 mula sa lalawigan ng Quezon makaraang masolo nito ang jackpot prize.

Sa kalatas na inilabas ng PCSO, nakuha ng mananaya ang kumbinasyon na 17-27-21-30-15-20 na may jackpot prize na P89,548,070.20.

Nabili ang maswerteng tiket mula sa isang outlet sa Bonifacio St., Gumaca, Quezon.

Nasa 38 indibidwal naman ang nanalo ng tig-P24,000.00 makaraang makakuha ng limang kumbinasyon.

Ang SuperLotto 6/49 ay binobola tuwing araw ng Martes, Huwebes at Linggo.

(TOTO NABAJA)

53

Related posts

Leave a Comment