PA INAALAM KUNG MAY RESERVIST AT MILITIAMEN SA ‘ANGELS OF DEATH’ NI QUIBOLOY

INAALAM ngayon ng pamunuan ng Philippine Army kung totoo ang ulat na may mga kasapi sa Angels of Death ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy na Army reservist at militiamen.

Inihayag ng Hukbong Katihan na nakikipag-ugnayan na sila sa Philippine National Police (PNP) upang beripikahin ang nasabing report.

Ang “Angels of Death” ay private army umano ng nahuling self-proclaimed appointed son of god.

Ayon kay Col. Reynaldo Balido Jr., deputy chief of the Army Chief Public Affairs, may ilang kasapi ng KOJC na mula sa 2nd Reservist Signal Battalion.

Inihayag naman ni Col. Louie G Dema-ala, Army Chief Public Affairs na ang 2nd Reservist Signal Battalion ay may 540 reservist na kinabibilangan ng dalawang officer reservist at 538 Enlisted Reservist.

Nakadeploy umano ang mga ito sa NCR, Visayas, at Mindanao kung saan may satellite unit ang Sonshine Media Network Incorporated (SMNI).

Habang may 150 hanggang 200 reservist naman ang Davao, ayon kay Col Dema-ala.

Nabatid na ang KOJC station SMNI ay affiliated reservist unit ng Philippine Army nuon pang 2015.

“They are on active duty status,” ani Balido. “They are called the 2nd Signal Battalion Philippine Army Affiliated Reserve Unit. Ti-nap natin sila because of their expertise in communications, nagagamit natin,” ayon pa sa opisyal.

Sinasabing hindi pa tukoy ang involvement ng mga ito sa hinihinalang private armed group ni Quiboloy kaya nakipag-ugnayan ang Hukbong Katihan sa PNP at iba pang government security agency.

Nilinaw ni Balido na ang mga reservist ay dapat hindi armado.

Samantala, sakaling mapatunayan sangkot o may paglabag ang SMNI ay ibabasura ang affiliation nito sa Phil. Army at posibleng sampahan sila ng kasong administratibo. (JESSE KABEL RUIZ)

281

Related posts

Leave a Comment