CAVITE – Tinatayang mahigit P2 milyon ang pinsala nang sumiklab ang sunog sa isang pabrika ng alcohol sa Dasmariñas City sa lalawigang ito.
Sa ulat ni P/MSgt. Elmo Caboboy ng Dasmariñas City Police Station, dakong alas-2:30 ng hapon noong Biyernes nang mangyari ang sunog sa isang pabrika ng alcohol sa Block 9, Lot 35, Brgy. Victoria Reyes, Dasmariñas City, Cavite.
Sa isinagawang imbesigasyon, isang electrical spark ang pinagmulan ng sunog dahilan ng pagsabog bunsod ng mga kemikal na nakapaligid dito at tuluyang natupok ang pabrika.
Wala namang iniulat na nasugatan sa nasabing sunog. (SIGFRED ADSUARA)
299
