SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Senador Manny Pacquiao ay “punch-drunk” nang sabihin na P10 bilyong piso ang nawala sa gobyerno dahil sa korapsyon.
“I think he is talking about P10 billion from nowhere… Papayag ba naman ako? Papayag ba kami? Mga secretary ng departamento na ganoon na may mawala na P10 billion?” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.
“That is a statement coming from a guy that is punch-drunk, lasing,” giit ng pangulo.
Nauna rito, pinaputok ni Senador Pacquiao na P10.4-B SAP funds ang nawawala.
Maghahain umano siya ng resolusyon para maimbestigahan ito ng Senate Blue Ribbon Committee at doon niya ibibigay ang kaniyang mga ebidensya, mayroon din daw siyang testigo na hindi muna niya pinangalanan.
148
