PACQUIAO, TRILLANES POWER-HUNGRY – PDU30

KAPWA pinatutsadahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang dalawang “political nemesis” na sina dating Senador Antonio Trillanes IV at Senador Manny Pacquiao.

Para sa pangulo, kapwa “sabik” na makahawak ng kapangyarihan sa gobyerno ang dalawa.

“Si Trillanes, parehas ni Pacquiao ‘yan. They want to, you know, hold power because they must have seen an opportunity for themselves,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People.

“I leave Trillanes to you . . . daldal nang daldal ‘yan, hindi naman lumaban ng debate ‘yan,” dagdag na pahayag nito.

Kamakailan kasi ay inakusahan ni Trillanes ang pangulo at si Senador Bong Go ng plunder dahil sa P6.6 billion government contracts na napanalunan ng construction firm na pag-aari ng ama ng senador.

Tinawag naman ni Go ang nasabing alegasyon na “rehashed at luma”.

Si Pacquiao, naman ay nagpasabog ng balita na mas malala ang korapsyon sa ilang ahensiya ng pamahalaan sa kasalukuyang administrasyon. (CHRISTIAN DALE)

194

Related posts

Leave a Comment