LUSOT na sa Senado ang panukala para sa pagpapalakas ng Anti-Money Laundering Act (AMLA).
Sa botong 21-0, inaprubahan na sa 3rd and final reading ang Senate Bill 1945 o ang pag-amyenda sa AMLA na inakda at inisponsoran ni Senadora Grace Poe.
Ang panukala ay bilang tugon sa resulta ng mutual evaluation report (MER) para sa pagtugon ng bansa sa 40 recommendations ng Financial Action Task Force on Money Laundering.
Kabilang sa target ng panukala ang pagpapalakas ng investigative powers ng Anti-Money Laundering Council sa pamamagitan ng paggagawad ng powers of deputization, power to apply for search warrant, at power to obtain information on ultimate beneficial ownership.
Binibigyan din ng kapangyarihan ang AMLC na magpatupad ng targeted financial sanctions sa financing institutions.
Kasama rin sa ipinapanukala ang pagbibigay awtoridad sa AMLC na magpalabas ng asset preservation order at judgment forfeiture.
Ipinagbabawal din sa panukala ang pagpapalabas ng injunctive relief laban sa freeze orders at forfeiture proceedings sa ilalim ng AMLC. (DANG SAMSON-GARCIA)
202
