Pag-ulan inaasahan hanggang Sabado METRO MANILA BINAHA

(RENE CRISOSTOMO)

BINAHA ang maraming kalsada sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila dulot ng walang tigil na pag-ulan nitong Miyerkoles.

Sa lungsod ng Maynila, umabot ng hanggang tuhod ang baha sa ilang kalsada na nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko.

Base sa ulat ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) na isinumite kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, bandang 12:40 ng tanghali, sumampa hanggang ‘gutter’ ang baha sa mga kalsada sa Avenida-Recto. Hanggang tuhod naman ang baha sa United Nations Avenue-Taft Ave. at Taft sa harap ng National Museum kaya naging mabagal ang usad ng mga sasakyan habang hindi naman nakalusot ang maliliit na behikulo.

Hanggang gutter din ang tubig-baha sa mga kalsada ng Sta. Cruz-Quezon Blvd., Pedro Gil St., Penafrancia St., Quezon Blvd.-Adriatico St. at Kalaw-Maria Orosa Street.

Nalubog din sa gutter deep na baha ang P. Burgos South Blvd., PGH-Taft. Roxas Blvd-Quirino Service Road, Rizal Ave-Recto, Roxas Blvd-Pedro Gil, Bonifacio Drive-25th St., Roxas Blvd-Kalaw, A. Bonifacio-Sgt. Rivera, Aurora -Araneta, E. Rodriguez-Araneta at LRT Recto na tumukod ang trapiko.

Pinaalalahanan naman ni Moreno ang mga residente na mag-ingat sa posibleng sakit na makukuha sa baha. Abala naman ang kanilang mga traffic enforcer sa pamamahala sa trapiko at declogging operations.

Sa ulat naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), naranasan din ang gutter deep na pagbaha sa EDSA POEA southbound, EDSA Boni southbound, EDSA-Ortigas split northbound EDSA J. Vargas northbound, C5 Eastwood North At Southbound, C5 J. Vargas North at Southbound, C5 Ortigas Southbound, Roxas Boulevard Quirino Service Road, Rizal Avenue Recto, Roxas Pedro Gil, A. Bonifacio Sergeant Rivera, Aurora Araneta Westbound at E. Rodriguez Araneta North at Southbound.

Dulot ng masamang panahon at sitwasyon ng mga lansangan ay kinansela ng Supreme Court ang trabaho sa lahat ng korte sa National Capital Region (NCR).

Simula alas-12:00 ng tanghali kahapon ay wala nang pasok sa Supreme Court at Court of Appeals.

Kasama rito ang Court of Tax Appeals, Court of Appeals (CA), Sandiganbayan at lower courts sa NCR.

Sa lungsod ng Marikina, umakyat ang lebel ng tubig sa Marikina River sa 13 meters. Hindi naman ito umabot sa first alarm o 15 meters water level.

Sa kabila nito, patuloy ang pagbabantay ng Marikina Rescue upang maagapan sakali’t kailanganing ilikas ang mga residente na malapit sa naturang ilog.

Inaasahan na patuloy na mararanasan ang masamang panahon sa Metro Manila hanggang sa Sabado.

Ang patuloy na pag-ulan ay dulot ng habagat na pinalakas pa ng Bagyong Fabian.

104

Related posts

Leave a Comment