PAG-UNAWA NI REP. LUISTRO SA EO 13 PINUNA

PINUNA ng ilang vlogger at netizens ang anila’y maling interpretasyon ni Rep. Gerville Luistro ng Batangas 2nd District sa Executive Order 13 (EO 13) na inilabas ni Pangulong Duterte noong 2017.

Sa isang pagdinig kamakailan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, sinabi ni Luistro na ang EO 13 ay sumaklaw sa kapangyarihan ng Kongreso na magpasa ng batas, bagay na kinontra ng ilang nakapanood. Anila, mali ang interpretasyon ng mambabatas.

Ang EO 13 ay isang administratibong utos na naglinaw sa mga tungkulin ng mga ahensya na nagre-regulate ng sugal at nagpatibay sa mga umiiral na batas. Hindi ito naglikha ng bagong batas kundi sinigurado lang na ang mga lisensyadong operator lang ang maaaring magpatakbo ng online gaming, alinsunod sa mga batas na pinasa na ng Kongreso, paliwanag ng isang vlogger.

Ang Republic Act No. 11590, na ipinasa ng Kongreso noong 2021, ay nagpatibay sa kapangyarihan ng PAGCOR sa online gaming. Pinag-utos nito na ang mga POGO ay kailangang kumuha ng lisensya at magbayad ng buwis, kaya’t pinatibay ang regulasyon sa online gaming.

Ang pahayag ni Luistro na ang EO 13 ay sumaklaw sa kapangyarihan ng Kongreso ay hindi lamang mali kundi nakasisira pa sa kredibilidad ng House of Representatives, puna pa ng ilan.

Ipinapakita ng kanyang mga salita ang kanyang kakulangan sa pag-unawa sa isyu kung paano gumagana ang mga executive order sa loob ng mas malawak na balangkas ng batas.

252

Related posts

Leave a Comment