PAG-USAD NG KASO VS QUIBOLOY GINUGULO

KINUMPIRMA ni Senador Risa Hontiveros na naghahanda na sila ng legal action laban sa testigong nagsabing binayaran ng P1 milyon upang idiin sa pagdinig sa Senado si Pastor Apollo Quiboloy.

Sinabi ni Hontiveros na maituturing itong harassment at intimidation na hindi dapat palampasin at dapat papanagutin ang nasa likod nito.

Binigyang-diin ng senadora na malaking kasinungalingan ang alegasyon ng isang Michael Maurillo dahil sangkaterba ang ebidensiya kaugnay sa mga paratang laban sa Pastor.

Lahat anya ng testigo na kanilang iprinisinta sa imbestigasyon ng Senate committee on Women, Children and Family Relations laban kay Quiboloy ay malaya at boluntaryong nag-alok ng kanilang testimonya at mga dalang ebidensya.

Mayroon anyang mga paper trail at may corroboration ng mga ahensya ng gobyerno at mga opisyal nito.

Ayon kay Hontiveros, may basehan sila para maniwala na pinuwersa o binayaran ang nabanggit na testigo para idiskaril ang ongoing criminal proceedings laban kay Quiboloy.

Isa anya itong desperadong hakbang na sinabayan pa ng pagbabanta sa kanilang mga staff at iba pang mga testigo.

(DANG SAMSON-GARCIA)

51

Related posts

Leave a Comment