PAGBEBENTA NG PHILIPPINE PROPERTIES SA JAPAN, TINUTULAN

TUTOL ang dalawang senador sa panukalang ibenta ang ilang property ng Pilipinas sa Japan.

“It’s impractical to sell those. They are symbols of our diplomatic ties with Japan. Besides, there are many other government properties in the Philippines that we can sell instead,” saad ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III.

Sa datos, apat ang property ng Pilipinas sa Japan na bahagi ng reparations agreement na nilagdaan ng dalawang bansa noong 1956.

Kinabibilangan ito ng mga property sa Roponggi, Nampeidai, at Fujimi sa Tokyo gayundin ang Naniwa-Cho at Obanoyama sa Kobe.

Sa panig ni Senate committee on foreign relations chairperson Aquilino “Koko” Pimentel III, wala rin siyang nakikitang sapat na batayan upang ibenta ang mga pag-aari ng bansa.

“They belong to the Filipino people. Do not sell. Anyway there is no clamor or even sentiment from the people to sell these,” diin ni Pimentel.

Una nang nagbabala ang Department of Foreign Affairs na posibleng magkaroon ng legal problems sa dalawang panukalang batas sa Kamara na nagsusulong ng pagbebenta ng mga ari-arian ng bansa na ibinigay ng Japanese government.

Batay sa mga panukala, ang kikitain sa pagbebenta ng mga ari-arian ay gagamitin sa pensyon at mga benepisyo ng mga beterano at military retirees. (DANG SAMSON-GARCIA)

126

Related posts

Leave a Comment